Thursday, November 6, 2014

Dream Like Millionaire


Alam mo ba wala pa tayo sa mundo hindi pa tayo sinisilang may
pangarap na tayo agad? nasa sinapupunan pa tayo ng mga magulang natin
meron na tayong pangarap na nakalaan para satin.

imaginin mo binubuo palang pala tayo may pangarap ng nabuo dahil sa kanila.tapos pagkasilang natin,wala pa tayong kemalay malay, di pa nakapagsasalita o tumatayo binibigyan na tayo ng magandang buhay. swerte tayo nung bata tayo lahat nalang naibibigay ng mga magulang natin.

gusto pa ng magulang natin mabuhay tayo nang matiwasay at masagana.
naisipan ko tuloy kung wala pa tayong kamuwang muwang sa mundo may pangarap na tayo na hindi pa natutupad ng mga magulang natin at tayo yung tutuloy sa pangarap nila diba tama? diba nabanggit mo sa pamangkin mo o sa anak mo, paglaki nito magiging magaling na pulis,titser o doctor etc.. tama diba?

Kaya nung bata ako naisip ko din paano ba maging mayaman kung may pera ka, kotse, at sariling bahay, siyempre bata ka pa malaki yung gusto mong pangarapin,kahit minsan mangarap ka hindi naman masama ang mangarap ng malaki. minsan kahit mga bata pa kasama mo tignan mo silang maglaro sa daan o kaya yung pamangkin mo tignan mo yung laro nya.

Diba? minsan maglalaro nyan "doctor ako at yung isa pulis naman"
dun palang alam mo na yung mataas na yung pangarap ng bata.minsan magdedescribe pa yan ng malaking bahay na parang palasyo at may kotse,
tapos yung pamangkin mo diba naglalaro ng playmoney na pera? anong ginagawa sa pera na yun sabi nya " ang dami kong pera inggit kayo noh"
tapos ikaw ngingiti lang biglang ihahagis yung mga playmoney sa daan yung iba magkakagulo pupulutin yung pera kahit peke lang diba ang saya maging bata may pangarap na agad :)

Hindi naman masama maging isang milyonaryo diba, kung masama ang maging milyonaryo, bakit ba may show sa tv na nagbibigay ng isang milyon, bakit ba meron lotto na nagbibigay na napakalaking papremyo.

example nalang si PEPITO MANALOTO yung reality show ng GMA 7, kung napanood mo yung unang episode sigurado alam yung istorya nya paano siya nangarap. Si Pepito diba dati siyang " pulubi " mahirap ,namumulot lang sa daan, isang kahig at isang tuka lang siya. pero itong si pepito pala.. may malaking pangarap sa buhay tuwing nanaginip siya anong iniisip nya sa panaginip nya diba nanaginip siya na MAYAMAN, maraming PERA, kahit ano nabibili nya diba, kaya sa tuwing nauudlot yung panaginip nya anong sabi nya " tsk! panaginip lang pala" sana totoo nalang..

Isang araw pagkagising ni pepito,diba gutom siya dun.. kaya ginawa nya naghanap ng basura sa daan pero wala siyang makita tapos tumambay sa tapat ng tindahan humingi ng tubig tapos habang nanonood ng tv si pepito binalita yung jackpot ng lotto na worth p100k siguro.nanlaki mata ni pepito,nag imagin siya kunwari may sport car siya tapos may nakaakbay na dalawang babae na maganda! :)

Habang naglalakad sa daan si pepito at gutom na gutom diba tumigil siya sa isang lilim na puno habang nagpapahinga siya, may napansin siya sa lupa,nilapitan nya tapos inapakan nya tapos tumingin tingin sa palagid nya.Nung nakita nya yun napulot nya yung 20 pesos. Diba gutom na gutom siya, nung pinulot ni pepito yung 20 na hawak nya instead na pambili ng pagkain,ang ginawa nya pumunta sa mga outlet ng lotto para itaya yung 20 pesos na napulot nya. may dalawang rason siya bakit hindi pagkain binili nya.





UNANG rason: pagkain lang naman nyan lilipas din yung gutom ko, tulog lang yan ok na diba?

PANGALAWANG rason: malaki yung pangarap ni pepito gusto nyang magbago yung buhay na meron siya              ngayon,tsaka sumugal siya hindi naman masama ang mangarap ng malaki.

Kaya si pepito nagdesisyon siyang pumunta sa lotto outlet tinaya nya yung 20 peso nagbabakasali na tumama sa jackpot price ng lotto,yung mga number na tinaya nya yung edad, bday, kelan siya pinanganak at anong buwan siya pinanganak.

Kinabukasan pagkagising ni pepito habang naghahanap at nagkakalkal ng basura para meron makain magkaroon ng laman ang tiyan ni, dating gawi padin tumambay sa tindahan humingi ng tubig,habang nagpapahinga siya sa tindahan pinuntahan nya yung lalaking nagbabasa ng dyaryo,naghiram siya ng dyaryo titignan yung lotto winning number, habang tinitignan ni pepito yung winning number unti unti siyang sumisigla kasi bawat tingin sa lotto number nakukuha niya hanggang nakuha lahat nung winning number napa YES! siya at nagtatalon sa galak! yung araw na yun hindi siya makapaniwala at nagbago ang buhay ni pepito.

Buruin mu dating PULUBI lang nangarap ng mataas para makuha yung pangarap niya kahit ang pulubi may pangarap din pala. ngayon buhay milyonaryo na siya,parang katulad lang sina HENRY SY at LUCIO TAN dating mahirap din pero may pangarap. ngayon ano na siya milyonaryo na, si henry sy may ari ng SM at si lucio tan may ari ng tanduay rhum at tabacco etc.. dahil nanaginip sila na hindi posible maging milyonaryo balang araw.

Kahit AKO mismo nangarap din,nanaginip ako na milyonaryo at maraming pera, may kotse, sariling bahay, magandang buhay, kahit ano gusto kong bilhin. kaya kung may dream ka sa buhay mo may pangarap na nag aantay sayo kaya tyaga lang balang araw matutupad din yun,Ako minsan na akong nangarap dati, yung iba naibigay kaya nagpapasalamat ako sa panginoon natin! :)

Kunwari may isang tao na nagbigay sayo ng "1 milyon" kailangan ubusin mo sa isang araw walang labis at walang kulang?anong gagawin mo? dapat within 12hrs lang. may napanood na akong movie dati na ganyan diko na siya masyadong remember,,, ang alam ko lang naubos yung 1milyon sa isang araw yung piso nalang natira sakanya tapos naghanap nalang siya ng tindahan na bukas pa para pampibili ng kendi, tapos nakuha yung kapalit ng 1milyon niya naging doble binigay ng tao. :)

I Hope nakarelate ka,
Dont stop dreaming!  dream like millionaire para sa pangarap mo :)

Your friend Freedom Fighters
Jimmy Reyes

No comments:

Post a Comment