Naalala ko pa nung nasa MLM Business ako sa unang company ko, Syempre Ikaw baguhan palang at wala pang alam sa pinasok mo, basta alam mo lang pagkakakitaan diba?
Ang alam ko lang kapag bumili ka ng produkto may business ka na atsaka magbebenta na, ipapasubok mo na sa mga kakilala mo.
Nung tinawagan ako sabi ko sa sarili ko "bat sila ako pinababalik at may meeting pang nalalaman" Nung sinbi na ang misyon pala sa pinasukan kong company, Sabi sa meeting kailangan nating MAGPARAMI, Pag aralan ang NEGOSYO, Magpraktis or Bumili ng mga kailangan sa PAGDEDEMO mo para sa mga prospect mo.
May nagtanong about anong ibig sabihin daw ng UPLINE at DOWNLINE, kahit ako curious din ako kung anong ibig sabihin din, Nung iexplain samin ng mabuti kung anong pagkakaiba ng dalawa.
UPLINE = kapag may team ka na at nauna ka sa kanila yun ang tawag sayo, parang kaw yung mataas at
leader na rin.
DOWNLINE = ikaw nasa ibaba ng upline naman yun ang tawag sayo ng business partner mo kapag nahuli
ka sa pagpasok pero kapag nakabuo ka din ng team mo magiging upline ka din same din sa iba
Pero alam nyo ba mahirap din ang may UPLINE na pasaway? Naaalala ko sa unang company ko yung isa kong partner dati nagpatawag siya ng "HOME PARTY" hindi party na nagcecelebrate, parang nag iinvite para ipakita sa kanila yung business mo yun ang home party.
Nung andun na kami at nag uumpisa na wala pa din siya kahit kailangan mo siya dun kasi siya leader namin,hindi padin siya sumipot kahit sandali lang hanggang natapos yung meeting..
Sabi ko sa isip ko kapag nagpa home party din ba ako ganun din yung mangyayari, kaya ginawa ko gawin ko nalang yung ginagawa nya .
Anong ginagawa nya ba? Nakatutok lagi sa laptop niya at may mga kausap siya thru online or sa facebook na mga prospect.diba may kasabihan kapag nasa MLM ka kung anong ginagawa ng UPLINE mo,yun ang GAWIN MO DIN,diba? kaya ginaya ko lang para fair naman.. hehe :)
Isang araw nagpatawag ng meeting si upline, Nung UNA ang dami pa namin buo pa at ang saya ng grupo,at meron pa kaming gagawin na parang "dream board" namin, sa sawing palad hindi natuloy yun laging kansel... 2nd and 3rd meeting ok pa kami, 5th till 8th meeting siguro yun, NAKU! alam nyo ba anung nangyari sa team namin ayun INSTEAD padami! paubos kami..paunti unti nawawala yung grupo namin.
Hanggang naging tatlo nalang kaming naging ACTIVE sa group namin...bale ginagawa nalang namin ni upline kami nalang yung nag iinvite sa mga new prospects namin,minsan napupuno yung office minsan hindi, mapupuno man iilan lang yung gusto ng business.. Sabi nung partner ko dati kapag nag uusap kami,bakit daw pabawas kani instead parami kami dapat, kasi daw sa tingin nila kay UPLINE makasarili, hindi nya iniisip yung kalagayan ng ibang partner nya sa negosyo nya,inuuna muna ang sarili bago ang lahat...
Kaya siguro ganun kami kabilis nagkawatak watak sa grupo namin,parang hindi kami na handle ng husto, tama nga yung hinala nung isang leader na kumausap dati samin..
Then One day tinawagan ako ng dating partner ko sa unang kumpanya namin, sabi nung partner ko may ipapakita daw sa akin sabi nya magsasama kami ulit,kahit na alam ko na yung dahilan at ibig sabihin nya, kaya pinuntahan ko siya nagkita kami sa isang fastfood dun kami nagkita at pinakilala nya yung upline, natandaan ko siya nung sinabi nya siya yung nasa youtube na nagdedemo..
Yun pinakita yung opportunity at pumunta sa office kahit naka pang bahay lang ako..hehe :)
sa pangatlong pagkakataon nakita ko yung talagang UPLINE at tutulungan ka at gagabayin ka ng todo sa negosyo mo at gagawin lahat para sayo eto nga sinabi ni bagong UPLINE;
- Tutulungan kita dito sa abot ng makakaya ko
- Bibigyan kita agad ng mga tao mo sa ibaba kahit nag uumpisa ka pa lang para ikaw nalang yung magpares sa ibibigay ko sayo.
- Dito tulungan tayo, kahit saan pa yung prospect mo text mo lang ako, siya na ang bahala sa kanya.
- Tutulungan kitang umangat din para sabay sabay tayo walang iwanan..
Simula nung sinabi nya yun bumalik yung CONFIDENT ko kasi tutulungan talaga kami sa mga prospects namin, nung sumali ako at nag start na bilang partner nya, kahit MALAYO pupunta kami sa meeting place sa manila, kasi NO PROBLEM! ok lang kasi magaling yung naging upline namin.kahit yung partner ko na todo sa paghataw at pagkakausap sa mga kakilala nya..siyempre kahit ako confident sabi ko din SESERYOSOHAN ko ng TODO ito kasi magaling nga upline namin.
PERO isang araw, tinext ko si upline at menessage sa facebook nya, nung una ok nagrereply sumasagot sa mga text ko at chat ko,pero nung may kinausap akong prospect dati tinext ko si upline hindi na nagrereply laging busy at tinignan ko yung facebook nya hindi ko na makita, sabi ko napano na si upline parang iunfriend yata kami,
Ginawa ko tinext ko yung partner ko din, sabi ko partner tawagan mo si upline or message mo din siya kasi di nagrereply sa mga text ko or chat, kahit siya di rin nagrereply sa kanya..then sinearch ko si upline wala na talaga sa LIST ko, ginawa ko para malaman ko iopen ko yung isa kong FB account sinearch ko ayun iba na palang COMPANY si upline at lumipat lahat ng hawak nya..tapos nung nabalitaan ko yun,
Tinext ko si partner ko sinabi ko lahat sa kanya na lumipat na ng ibang kumpanya,then TOTOO pala yung hinala namin iniwan na kami talaga at gusto pa kaming isama dun at gusto rin kaming kausapin muna para lang siguro ipakita yung business nya.
Akala ko pa naman nakahanap na talaga akong tunay na UPLINE na gagabay samin, ISA din pala siyang PASAWAY.. yung sinabi nya sa unang upline namin, naku ayun NILINOK nya lahat! nanghinayang kami di rin pala kami maihandle ng mabuti,althought galit ako nung una sa kanila pero ngayon hindi ok na samin or sakin yun,lesson learn nalang para sakin,ganyan talaga ang negosyo sa networking kung di sila happy sa kumpanya aalis na sila..
Alam ko mababasa nila ito maiintindihan naman nila,kung anong naging kulang samin or sakanila why not they handle us carefully..haha :) basta yun nalang, i hope nakakarelate ka din sa sitwasyun ko dati. :)