Kapag Nobyembre na anong unang pumapasok sa sa isip natin? Katakutan diba? :)
Naaalala ko pa nung bata pa ako, diba lagi lang nating isip, maglaro, matulog at mag aral,Kapag may kwentong kakatakutan minsan unang nilalapitan natin ay si Nanay diba?
Nung Bata ako naalala ko mga sinasabi ng mga matatanda satin,kapag nasa labas ka pa ng bahay pag ayaw mong umuwi agad sinasabi agad sa satin " Tignan mo yung buwan bilog na bilog may lalabas na aswang o manananggal " ikaw naman matatakot agad papasok na sa bahay siyempre bata ka pa non kaya manininwala ka sa sinasabi ng matatanda, at meron pang kapag TAKOT ka nagtatago sa ilalim ng palda ng nanay mo! diba? hehe :)
Kwento ko yung naexperience na kung kakatakutan ba o kathang isip lang...
Nung nasa Grade iskul ako siguro nasa grade 1 or 2 ako noon, sa iskul namin ,may bakanteng lote at may mga puno ng matataas sa likod ng iskul, minsan pwedeng garden o palaruan ng mga bata, madalas dun kami naglalaro kapg breaktime na.
Nung nagmiting mga titser namin sa iskul at kami naman naiwan sa room habang sumusulat kami at may pinapagawa ang titser at walang nagbabantay sa min.sa kalagitnaan ng breaktime namin may taong sumigaw..
"Sabi nya; may manananggal magsitakbuhan na kayo"
Syempre kami matatakot at nagsitakbuhan na hanggang nagkagulo na sa buong iskwelahan namin, ako ginawa ko " tumakbo, umuwi ng bahay sa sobrang takot ko kumuha ako ng bawang at nilagay ko sa bubong namin..siguro mga tatlong piraso lang na bawang yung nilagay ko sa bubong namin! hehe..
Kinabukasan pagpasok ko sa iskul, may tao lang umakyat sa puno may kinuha lang na bunga kaya pala kumakaluskos yung puno... :)
Nung high iskul nako o kolehiyo na yung mga barkada o kaibigan ko dati, habang nag iinuman kami sa bahay ng kaibigan ko at nagkwekwentuhan, biglang dumating yung kabarkada namin na isa tapos may sinabi siya " Kung gusto raw namin na mag GHOST HUNTING, syempre kami lasing na walang magagawa pumunta kami kahit natatakot kami tuloy parin yung papunta dun..
Habang papunta palang kami sa pupuntahan namin sa ABONDONED OSPITAL ng CLARK sa sasakyan palang natatakot na kami sa kinukwento ng kaibaigan namin porke ganito o ganon daw..nawala yung lasing namin habang palapit na kami..
Habang papasok na kami sa abondoned ospital dun sa daan nagbigay kami ng galang nagplusher yung jeep namin para alam na gumagalang kami papasok ng ospital.. nung andun na kami instead na pumasok kami sa ospital dun nalang kami sa sasakyan namin nag stay nalang kami dun kasi wala kaming mga gadgets baka mapahamak kami.
Nung andun na kami kahit nag stay lang kami sa sasakyan sa labas parang pasko yung lamig sobrang lamig talaga tapos tumatayo yung mga balahibo mo kahit na wala kang nakikita yung utak namin once na naglikot yan matatakot ka talaga, kaya ganon yung pakiramdam, Siguro nag stay lang kami dun mga 30 minutes sipat na agad ng madalian muntik pang hindi umadar yung sasakyan namin.. pakiramdam namin paglabas WE ARE FREE! :)
NEED mo din bang matakot sa SYSTEM na ginagamit namin?
CLICK this link SIGN UP for FREE & Watch the Video Training;
No comments:
Post a Comment